Friday, May 11, 2012

duon magtatapos

Sa mga kantang inaawit at aking pinapakinggan duon ko naipapaliwanag ang tunay kong nadarama at duon ko naipapahayag kung ano ang nais kong sabihin saiyo,  dun ko naipapahinga ang pusong nanabik saiyong pagtingin at pansin . Gaano man kasidhi ang aking pagmamahal ito'y manantili na lamang ssa aking puso at hindi na kailangan isagawa at isakatuparan.. masaya na ako na alam ko na ikaw ay masaya at marami ang nagmamahal at naghihintay sa iyong pag-uwi..bagamat sa aking puso kailan may di kana makakauwi  at di madudugtungan ang kahapon at itatama ang mali, mananatili kang mahal dito sa puso ko ang mga mata ko na laging na lamang nakatingin sa nakaraan at mga isipan na pinagkakasya ko sa sulok ng aking damdamin, marahil nga ay  hindi ko kayang kalimutan ka at hindi na mahalin ngayon ko napagtanto  na hindi ko kailngan gawin ang isang bagay na kusang likas sa ating mga tao ngunit magka ganuon pa man may isipan na mag didikta sa pusong marupok kung ano ang  dapat at hindi. Palagi lang kitang minamahal at duon  magtatapos.

Tuesday, March 27, 2012

Hirang

Magkahalong saya't salimuot ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. maraming kumikiliti at nagpapalungkot sa akin sa tuwing naalala kita...masalimuot at malungkot kase kahit nuon pa man hindi ka para talaga sa akin, na laging may naghihintay saiyong pagbabalik at nag-aalala para saiyo sa bawat oras.....nakakapanibugho ngunit ako'y walang karapatan na angkinin ang kailanman ay hindi naging akin.
sa bawat pag-usad ng panahon maraming nagbabago at nagaganap, pero sa bandang huli mas gusto mong lumingon sa kahapon, sumaya at malungkot muli...sa napakaiksing panahaon na pinagsamahan natin naging sapat ito paray ikaw ay ibigin ng totoo, hindi  ba't ganuon naman ang magmahal basta nalang nararamdaman walang dahilan.., sa mga oras na iyun hindi maipaliwanag na saya ang aking nadarama pagkasama ka't kaulayaw, mga simpleng kwentuhan at lambingan, pero walang kapantay. napakaiksi pero masarap  balikbalikan, ganuon talaga siguro ang magmahal walang dahilan, at panahon lagi mo lang mararamdaman sa kabila ng kabiguan nakakhalina parin kahit gaano man katagal ang lumipas nanatili parin ito sa damdamin.

Saturday, January 7, 2012

bahay kubo

Dati pangarap ko tirhan yung  moderno talaga, yung napapanood ko sa Hollywood ngunit pag naglaon pala at nabuksan ang mga mata mo sa mundo at nakarating sa ibat-ibang lugar  magbabgo ang mga pagnanais at pangarap mo na ang mas mahalaga ay yung mga bagay na simple, at makapagpapasaya saiyo ng lubusan...,tulad ngayon ultimate dream ko talaga makabili ng lupain at mag-tayo ng bahay kubo. tatamnan ko ito ng mga gulay at prutas na hindi ko na kailngan pumunta sa palengke para bumili. ako na mismo ang magiging interior decorator nito palalamutian ko ito ng mga ibat-ibang uri ng halaman, at mga bulalak na magbibigay kulay sa kabuan ng mumunting Kubo, paligiran ko nalang ng  matataas na fence para sagrado, kung sakali man sino kaya makakasama ko?, makasama kaya kita? ...

Obsess

paano kaya magbilang sa mga daliri ko ng hindi ako natatapos...heheh naiinip lang ako ilang araw na kitang di maka chicka alam mo ba na ikaw lang ang bisyo ko?, sa ngayun malala  na itong sakit ko baka matuloy sa mental illness. ayyayay huwag naman sana...kanina ako'y napadaan ulit sa profile mo kabisado, ko na yata mukha ng mga family at co-workers mo kasi consistent ang  pagbisita ko duon eh, kung sa bagay dati hiling ko lang na malaman sa dakilang lumikha, na oks  ka ayos na ako ngayun may chance pa ako na makausap at makibalitaan  saiyo, I think thats more than enough, enough... is enough! obsess na yata ako kailangan makahanap ako ng paraan para ma-cure ko ito ...paano kaya? well i guess as the time goes by like before; mababalik korin sa sistema ang katinuan ko. basta sana huwag kang mawawala na kahit sa social networking lang maramdaman ko na kasama kita sapat na iyon.